Arcilla, Capadocia umusad sa semis
MANILA, Philippines - Nagtala ng straight set panalo sina Johnny Arcilla at Marian Jade Capadocia laban sa mga bigating katunggali upang umusad sa semifinal round sa men at women’s division, ayon sa pagkakasunod sa 33rd PCA Open na ginaganap sa Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.
Ang second seed na si Arcilla, 34-gulang ay nahirapan sa kaagahan ng laban ngunit nakabawi upang igupo si Alberto Lim Jr., 6-4, 6-0 na nagtakda ng kanyang semis duel laban kay No. 5 Rolando Ruel Jr. na nanalo naman kay Elbert Anasta, 7-6 (3), 1-6, 7-5.
Sinamahan naman ni top seed Patrick John Tierro si Arcilla sa Final Four matapos igupo si No. 7 Marc Alcoseba, 6-4, 6-0. Makakalaban ni Tierro sa semis ang mananalo kina No. 3 Marc Reyes at No. 9 Ronard Joven.
“I was a bit nervous in the first set since I was up against a young rival, who actually beat me in the Philippine National Games last May. So I really stayed focused and took control in the early going with my solid serves,” sabi ni Arcilla, hangad ang kanyang ikasiyam na titulo sa annual event na handog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings.
Sa women’s play, tinalo ni Capadocia si No. 7 Christine Patrimonio, 6-1, 6-4 para itakda ang semis duel laban kay sixth pick Marinel Rudas na gumulantang kay No. 3 Edilyn Balanga, 6-1, 6-4.
Sinilat naman ni fifth pick Hannah Grace Espinosa si No. 2 Clarice Patrimonio, 7-6 (0), 2-6, 6-3 at susunod niyang kalaban si No. 4 Maika Tanpoco na dinomina si Jzash Eale Canja, 6-0, 6-1.
- Latest