Capadocia pasok sa quarters
MANILA, Philippines – Pinabagsak ni defending champion Marian Jade Capadocia si Rafaella Villanueva, 6-2, 6-2, kahapon upang sumulong sa quarterfinals ng 33rd Phl Columbian Association Open sa Plaza Dilao courts kahapon sa Paco, Manila.
Makakatapat ng 19-anyos at top-seed na si Capadocia si seventh pick Christine Patrimonio na nahirapang talunin si Fil-Am wildcard Ca-therine Isip, 1-6, 6-4, 7-6 (2) sa women’s singles ng torneong suportado ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings.
“I expect a tough match,” sabi ni Capadocia, three-time winner ng torneo, tungkol sa kanilang laban ni Patrimonio, isa sa dalawang anak ni PBA legend Alvin na lumalaro ng tennis.
Umusad din ang na-kababatang kapatid ni Christine na si second seed Clarice matapos sibakin ang nakakatandang kapatid ni Capadocia na si Jella, 6-2, 6-2.
Makakaharap ng 21-gulang na si Clarice ang mapanganib na si Hannah Espinosa, pinag-retire si Maria Angela Sunga, 4-6, 6-1, 2-0.
Sa men’s action, na-ging magaan naman ang panalo ni top seed PJ Tierro kay Bernardine Siso, 6-4, 6-2 habang nanalo naman by default si eight-time winner at second pick Johnny Arcilla sa hindi sumipot na kalabang si Jed Olivarez.
Makakalaban ni Tierro ang mananalo sa pagitan nina Kim Saraza-Marc Alcoseba habang haharapin ni Arcilla ang mananalo kina AJ Lim at Arcie Mano.
- Latest