^

PM Sports

Generika lusot sa Cignal

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Natalia Korobkova ang Generika sa makapigil hiningang 25-19, 25-20, 20-25, 22-25, 15-9 panalo kontra sa Cignal sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics na nagpatuloy kahapon sa Cuneta Astrodome.

Nagsilbing haligi ng Generika ang 6’3 Russian na si Korobkova sa deciding set sa pagkopo ng Life Savers ng ikaapat na sunod na panalo sa women’s division ng inter-club tournament  na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Iniskor ni Korobkova ang lahat ng kanyang 26 points sa kills para ilagay ang Generika sa second spot taglay ang 5-3 karta sa likod ng leader na Petron na may 6-1 win-loss slate.

Ang HD Spikers ay nalaglag sa 3-5 karta at lumabo ang kanilang tsansang makaabot sa semis.

May kontribusyon din ang mga locals ng Generika na sina Aby Maraño, Cha Cruz at Stephanie Mercado  na nagdeliber ng 14, 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

ABY MARA

CHA CRUZ

CUNETA ASTRODOME

GENERIKA

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

KOROBKOVA

LIFE SAVERS

MUELLER SPORTS MEDICINE

MY PHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with