^

PM Sports

Sky Hook rumemate

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lakas sa rematehan ang  naipakita ng Sky Hook para pagharian ang 4th leg ng 2014 Philracom Juvenile Colts Stakes noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jordan Cordova ang siyang dumiskarte sa kaba-yong lahok ni horse owner Joseph Dyhengco para walisin ng kanyang mga kabayo ang juvenile stakes na pinaglabanan sa nagdaang Sabado at Linggo.

Naunang kuminang ang Sky Hook sa Juvenile Fillies na pinaglabanan noong Sabado.

Hindi naging maganda ang alis ng nanalong kabayo nang malagay sa pangwalong  puwesto sa siyam na naglaban.

Ang Icon ang umuna sa pagbukas ng aparato habang sumunod ang Karangalan sa labanan ng mga matutuling kabayo.

Palitan ang dalawang kabayo pero pagpasok sa huling 600-metro ng karera ay biglang sumulpot ang Sky Hook bukod sa The Scheduler na dala ni Pat Dilema para maging mainitan ang labanan sa karerang isinagawa sa 1,600-metro.

Pagpasok sa huling 100-metro ay umalagwa na ang Hook Shot tungo sa halos tatlong dipang panalo sa The Scheduler.

Halagang P900,000.00 ang naipasok ng panalo ng Sky Hook sa karerang handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Isama pa ang panalo ng Hook Shot, umabot sa P1.8 milyon ang kinabig ni Dyhengco sa dalawang malalaking karera para sa mga kabayong edad dalawang taong gulang.

Ang The Scheduler ay  nag-uwi ng P337,500.00 habang ang Icon at Cat Express ay umani ng P187,500.00 at P75,000.00 gantimpala.

Umabot sa P14.50 ang ipinasok ng panalo ng Sky Hook at P225.00 ang dibidendo sa 9-7 forecast. (AT)

vuukle comment

ANG ICON

ANG THE SCHEDULER

CAT EXPRESS

HOOK

HOOK SHOT

JOSEPH DYHENGCO

JUVENILE FILLIES

LINGGO

PAT DILEMA

SKY HOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with