^

PM Sports

Asian Beach Games may silver at bronze pa

Pang-masa

PHUKET, Thailand – Nadagdagan ang Phl Team ng silver at bronze medals mula water ski sa pagpapatuloy ng 4th Asian Beach Games dito.

Inihatid ni Susan Ma-delene Larsson ang pilak mula sa women’s cable wakeskate sa nakuhang 82 puntos habang si Jose Cembrano ang nagsubi ng bronze medal sa naitalang 78 puntos sa men’s division.

Sa kabuaan, ang Pilipinas ay mayroon nang dalawang ginto, isang pilak at tatlong bronze me-dals pero sapat lamang ito para malagay sa ika-12 puwesto sa 45 bansang naglalaban-laban.

May pag-asa pang  madagdagan ang medal-ya ng Pinas dahil nagwagi sa ikalawang laro sina men’s beach volley players Edmar Bonono at Edward Ybañez nang hindi sumipot sina Khaled Alarqan at Abdelrahman ng Palestine.

Ang dalawang medal-ya ay pambawi sa pagka-talo ng ibang Pambansang atleta.

Natalo ang Perlas Pilipinas sa China, 13-19 sa semifinals para masibak sa medal race habang ang women’s handball team ay natalo sa ikalawang sunod sa Vietnam.

Ang mga pambato sa triathlon na sina Nikko Huelgas at John Chicano sa kalalakihan at Kim Mangrobang sa kababaihan ay hindi nakapuwesto.

Si Huelgas  ay nalagay sa ika-15th at si Chicano  ay 27th sa 39 naglaban habang si Mangorobang ay nasa 10th place. Talunan din sina Smael Trazona (men’s -80kg) at Efralyn Crosby (women’s -60kg) sa freestyle wrestling.

ASIAN BEACH GAMES

EDMAR BONONO

EDWARD YBA

EFRALYN CROSBY

JOHN CHICANO

JOSE CEMBRANO

KHALED ALARQAN

KIM MANGROBANG

NIKKO HUELGAS

PERLAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with