Bagong record sa 3-point shooting itinala ng Cleveland
CLEVELAND – Nagposte ng NBA record ang Cavaliers kasama si LeBron James matapos magsalpak ng 11 three-point shots, kasama dito ang siyam sa first quarter, para patumbahin ang Atlanta Hawks, 127-94.
Tumipa si James ng 32 points para sa Cavaliers na naging unang koponan sa NBA history na nagtala ng 9-for-9 shooting sa 3-point area sa isang yugto, ayon sa Elias Sports Bureau.
Nagsalpak si James, umiskor ng season-high na 41 points kontra sa Boston Celtics noong Biyernes ng tatlong tres sa first period at nagsalansan ng 11 points sa unang 3:34 minuto ng laro.
“Coming off a back-to-back I didn’t want us to have a slow start,” wika ni James. “I feel like the guys feed off my energy and I wanted to go out and be aggressive and see where it takes us. It got us to a huge lead.”
Kumolekta ang Cavaliers, nasa isang four-game winning streak ngayon, ng 41 points sa first quarter.
Nagsumite si James, ipinahinga sa kabuuan ng fourth quarter, ng 13-of-20 fieldgoal shooting at nagdagdag si guard Kyrie Irving ng 20 points.
Itinala ng Cavaliers ang team record sa pagtatarak ng 19-for-31 clip sa 3-point range.
Ang kanilang 19 tres ay isa nang league season high.
- Latest