Umatake uli si Jaeckel
MANILA, Philippines – Binalikan ni Kristy Jaeckel ang kanyang pamatay na porma nang kanyang hatakin ang Mane ‘N Tail sa 25-14, 17-25, 28-26, 25-21 panalo kontra sa Cignal sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.
Ang kinikilalang pinakamahusay na import ng torneo na si Jaeckel ay humataw ng game-high na 36 points nang makopo ng Lady Stallions ang ikatlong panalo sa pitong laro sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Nagpamalas ng impresibong all-around game si Jaeckel sa kanyang 31 kills, four aces at isang block na malaking diperensiya sa kanyang 26 at 27 points lamang sa mga huling laro kontra sa Generika at Foton.
“She really wants to win,” sabi ni Mane ‘N Tail coach Francis Vicente patungkol kay Jaeckel. “You can see the fire in her eyes. She did everything to give us this victory. She carried us on her shoulders. She remains the heart and soul of this team.”
Ngunit binigyan din ni Vicente ng papuri ang mga local crew, sa pangunguna ni Lilet Mabbayad, Rossan Fajardo at Hezzymie Acuna na sumuporta para sa pinagsama-samang 29 points.
“I told them that they should also do their part and help our imports,” aniya. “Good thing they responded because our team will be impossible to stop if we’re all doing our respective roles.”
Tumapos si Sarah Ammerman ng 24-point at may 18 si Lindsay Stalzer para sa HD Spikers na pinarisan ang Mane ‘N Tail sa 3-4-win-loss card.
- Latest