Players makakaboto na sa NBA All-Stars
NEW YORK -- Pinalawig ng NBA ang botohan sa All-Star matapos isama ang lahat ng players kasabay ng pag-aatras sa pagsisimula ng gagawing botohan para ma-bigyan ang mga fans ng panahong makapili ng kanilang gustong players.
Ang simula ng botohan para sa Feb. 15 All-Star game sa New York ay sa Disyembre 11.
Tradisyunal na binubuksan ang botohan ngayong linggo kung saan hindi pa nakakalaro ang karamihan ng koponan ng 10 games sa season.
Ang balota sa NBA.com ay magtatampok sa bawat player sa liga.
Dati ay 60 players bawat komperensya lamang ang pinipili ng media panel.
Patuloy na iboboto ng mga fans ang tatlong frontcourt players at dalawang guards para makasama sa starting line-up ng bawat conference.
Ang ibang panguna-hing U.S. pro sports league ay gumagamit ng balota na may set player pools.
Ang All-Star voting ay matatapos sa Enero 19.
- Latest