^

PM Sports

Asian beach volleyball 2 ju-jitsu gold sa Phl team

Pang-masa

PHUKET, Thailand -- Sumikwat ang Team Phi-lippines ng dalawang gold medals sa ju-jitsu para palakasin ang kampanya ng mga Pinoy sa 4th Asian Beach Games dito.

Kapwa tinapos nina Filipino-Japanese Maybelline Masuda at Annie Ramirez ang kanilang mga karibal para bigyan kaagad ng kasiyahan ang bansa sa biennial continental Games.

Dinomina ni Masuda, dating Brazilian ju-jitsu world champion, si Le Thu Trang ng Vietnam matapos kunin ang ground control sa kabuuan ng kanilang six-minute duel para kunin ang 15-0 panalo sa women’s -50kg.

Sa kabila naman ng pagkakadagan sa 23-anyos na si Ramirez ni Onanong Saengsirichok ay nagawa pa rin ng Pinay na talunin ang Thai sa kanilang 60kg finale.

Ang arm bar ang na-ging sandata ni Ramirez para talunin si Saengsirichok at kunin ang gintong medalya.

“I don’t want her to take advantage of my mistakes and give them a reason to increase her points,’’ sabi ni Ramirez, apprentice ni legendary judoka John Baylon.

Isang nine-time Southeast Asian Games judo champion, nauna nang ibinulsa ni Baylon ang bronze medal sa men’s ju-jitsu -80kg.

Matapos ang dalawang araw ay nasa pang-limang puwesto ang mga Filipino athletes sa hanay ng 45 bansa sa ilalim ng Mongolia (6-0-2), United Arab Emirates (4-2-3), Pakistan (2-3-0) at Thailand (2-2-6) sa  nakopo nilang dalawang gold at isang bronze medal.

Kabuuang 77 atleta ang lahok ng Pinas  na sasabak sa 16 sports.

vuukle comment

ANNIE RAMIREZ

ASIAN BEACH GAMES

FILIPINO-JAPANESE MAYBELLINE MASUDA

JOHN BAYLON

LE THU TRANG

ONANONG SAENGSIRICHOK

RAMIREZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHI

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with