Cignal spikers silat sa Generika
MANILA, Philippines – Naging mainit ang Generika upang magtala ng malaking upset laban sa Cignal, 25-23, 25-18, 25-20 sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.
Matapos makuha nina Miyu Shinohara at Natalia Korobkova ang tamang chemistry, hindi na mapi-gilan pa ang Life Savers mula simula hanggang sa matapos ang laro tungo sa kanilang magaang panalo sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR and Jinling Sports bilang technical partners.
Ang panalo ay nagsulong sa Generika sa 2-3 kartada habang itinulak nila ang HD Spikers sa pakikipagtabla sa RC Cola-Air Force sa second spot sa 3-2 rekord.
Higit sa lahat, ang panalo ay nagpataas ng morale ng Life Savers papasok sa crucial stage ng torneo na suportado rin ng Solar Sports bilang official broadcast partner.
“I told them that we need to win this game by hook or by crook,” sabi ni coach Ramil de Jesus ng Generika na ‘di pa rin nakakalimot sa pagkatalong nalasap laban sa Mane ‘N Tail nitong weekend. “We need this win very badly. Aside from putting us back in the thick of the fight, we need this win to boost our confidence going into the second round. This win reminded the girls that we are still at par against the league’s best teams like Cignal.”
Ang Russian import na si Korobkova ay nagdeliber ng 11 points at limang blocks para sa 17 points habang nagtulung-tulong sina Cha Cruz, Abby Maraño at Stephanie Mercado sa 22 markers para sa Life Savers.
- Latest