Criteria sa pagpili ng bagong Gilas coach binuo ng SBP search and screening committee
MANILA, Philippines – May nailatag nang criteria ang search and screening committee ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para maging basehan ng pagpili ng susunod na coach ng National Team na kabibilangan ng mga PBA players.
Nagpulong kahapon ang komite at ang kanilang nabuong paunang set of criteria ay dadaan muna sa SBP executive committee para sa final approval.
Kabilang sa komite na pinangunahan ni SBP vice chairman Ricky Vargas ay sina PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non at SBP executive director Sonny Barrios.
Inaasahang magpupulong uli ang komite sa susunod na linggo upang ma-finalize ang criteria para makapagsimula na silang gumawa ng listahan ng mga kandidatong coach na papalit kay Chot Reyes na nag-beg-off nang masama sa listahan ang kanyang pangalan.
Ang list of candidates ay dadaan naman sa SBP exe-cutive committee na pinamumunuan ng presidente ng asosasyon na si Manny V. Pangilinan.
Mayroon ding komite na gagawa ng criteria para sa pagpili ng mga players na bubuo ng national teams na hindi kabibilangan ng mga professional players.
Magpupulong ang komiteng ito sa Martes kung saan ang NCAA ay kakatawanin ni Paul Efren Supan, Jose Rizal University sports director at NCAA MANCOM chairman kapalit ni Fr. Victor Calvo, O.P., Edmundo Baculi (kumakatawan sa UAAP), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas-Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).
- Latest