^

PM Sports

NCAA volleyball action hahataw ngayon sa MOA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Perpetual Help ang kanilang kampanya para sa ikaapat na sunod na korona sa pagharap sa Jose Rizal sa paghataw ng 90th NCAA women’s volleyball competition ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Maglalaro ang Lady Altas, inangkin ang kanilang pangatlong dikit na titulo matapos talunin ang Arellano University Lady Chiefs noong nakaraang taon, nang wala sina veterans at dating MVP winners Royse Tubino at Norie Jane Diaz na kapwa graduate na.

Sasandig si Perpetual coach Sammy Acaylar kina Jamela Suyat, Cindy Imbo, Anna James Diocareza, Shyrra Cabriana, Coleen Bravo, Lourdes Clemente at Vhima Condada.

Inaasahang hahamon sa Perpetual Help para sa NCAA crown ang Arellano at ang San Sebastian.

Lalabanan ng Arellano ang Mapua sa unang laro ganap na alas-9 ng umaga at sunud-sunod na isasalang ang apat pang larong naka-schedule kabilang ang Perpetual-Jose Rizal match bilang second game.

Sinabi ni Peter Cayco ng Arellano na si Shakey’s V-League chief Moying Martelino ang guest speaker sa opening sa alas-8 ng umaga.

ANNA JAMES DIOCAREZA

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY LADY CHIEFS

CINDY IMBO

COLEEN BRAVO

JAMELA SUYAT

JOSE RIZAL

LADY ALTAS

LOURDES CLEMENTE

PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with