Walang coach,walang problema Rain Or Shine nanalo pa rin
MANILA, Philippines - Kahit wala si head coach Yeng Guiao, walang problema para sa Elasto Painters.
Kinuha ng Rain or Shine ang kanilang pa-ngatlong panalo matapos ilampaso ang Barako Bull, 99-71, tampok ang 23 points at 7 rebounds ni Jeff Chan at solohin ang ikalimang puwesto sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Si assistant coach Caloy Garcia ang umagapay sa Asian Coating franchise dahil nasa Hong Kong si Guiao, ang Pampanga Congressman, bilang kinatawan ng Kongreso sa Climate Change forum.
“We totally had a different look coming from a Talk’N Text loss with no effort at all,” sabi ni Garcia sa 76-99 pagyukod ng Elasto Painters sa Tropang Texters noong Nobyembre 2.
Nalasap ng Energy ni mentor Koy Banal ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan para makasama ang Blackwater Elite sa ilalim.
Ang three-point shot ni JR Quiñahan ang nagbigay sa Rain or Shine ng malaking 20-point lead, 25-5 sa dulo ng first period hanggang ibaon ang Barako Bull sa 64-36 sa huling apat na minuto ng third quarter.
Isinalpak naman ni rookie Jericho Cruz ang basket para sa 32-point advantage (99-67) ng Elasto Painters laban sa Energy sa huling 13.8 segundo sa final canto.
Samantala, mag-uuna-han namang makabangon sa kani-kanilang kabiguan ang San Miguel at ang NLEX sa kanilang paghaharap ngayong alas-5 ng hapon sa Mindanao Civic Center Gymnasium sa Tubod, Lanao del Norte. (RC)
RAIN OR SHINE 99 - Chan 23, Tang 12, Cruz Jervy 11, Teng 10, Quiñahan 10, Uyloan 9, Cruz Jericho 8, Lee 7, Norwood 4, Almazan 3, Belga 2, Ibañes 0, Tiu 0, Araña 0.
BARAKO 71 - Intal 12, Wilson 12, Pennisi 11, Miranda 10, Garcia 8, Lastimosa 6, Fortuna 5, Salvador 2, Salva 2, Pascual 2, Marcelo 1, Paredes 0, Lanete 0.
Quarterscores: 25-7, 55-28, 72-48, 99-71.
- Latest