SBP screening committees magsisimula nang magpulong
MANILA, Philippines - Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang Search & Screening Committee na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kanabibilangan ng mga major stakeholders ng SBP na inatasang gumawa ng listahan ng mga kandidato para maging coach ng Gilas Pilipinas.
Kabilang sa komite na ang mamumuno ay si SBP vice chairman Ricky Vargas ay sina PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non (kinatawan ng PBA D-League) at SBP executive director Sonny Barrios na gagawa rin ng parameters at criteria para sa bagong national team na bubuuin.
Magkakaroon ng mga diliberasyon at ang mga mapipiling pangalan ay isusumite kay SBP president Manny V. Pangilinan, pinuno ng SBP Executive Committee para sa final decision.
Binuo rin ang Search & Screening Committee para sa national teams na walang PBA players na nakatakdang magpulong sa Nov. 15. Si Barrios bilang SBP representative ang chairman ng grupo na kinabibilangan ng mga SBP Board of Trustees members Edmundo Baculi ng UAAP, Fr. Victor Calvo, O.P. (NCAA), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas-Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).
- Latest