^

PM Sports

Gogosnakegosnakego nagdomina sa Handicap Race

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Gogo­snakegosnakego ang  unang panalo sa buwan ng Nobyembre nang dominahin ang karerang nilahukan noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Full gate ang Handicap Race 1 na pinaglabanan sa 1,000-metro distansya at nakaremate ang kabayong sakay ni RO Niu Jr. para masundan ang huling panalo na naitala noong Oktubre 25 sa nasabing race track.

Ang limang taong kabayo na may lahing Ecstatic at Blue Lace Dress ay nadehado pa sa karera para makapaghatid ng P21.50 sa win.

Pumangalawa ang Bliss para sa 13-9 forecast na may P255.50 dibidendo.

Pinangatawanan naman ng Akire Onileva ang pagiging patok sa Handicap Race 4 nang pangunahan ang karera mula simula hanggang sa matapos ito.

Si JV Ponce ang sumakay sa limang taong filly na may lahing Ultimate Goal at Bright Thunder at sa pagbubukas pa lamang ng aparato ay lumayo agad ang kabayo na tumakbo kasama ang coupled entry na Vini Vidi Vicci.

Nakabawi ang nanalong tambalan  mula sa pang-apat na pagtatapos noong Oktubre 31 at ha­lagang P6.00 ang ibi­nigay sa win habang ang pagsegunda ng Gross Income ay may P58.50 dibidendo sa 4-8 forecast.

Ang pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang Chezkas Magic na sinorpresa ang mga nakatunggali sa Handicap Race 3.

Si Rodeo Fernandez pa rin ang gumabay sa kabayo na lumabas ang husay para maisantabi sa ikasiyam na puwestong pagtatapos  noong Oktubre 12.

Ang Minotaur na hawak ni RR Camañero, ang pumangalawa sa datingan para magbunga ang desisyong halinhinan ang regular na hinete ng kabayo na si KS Bergancia.

Umabot sa P31.50 ang ibinigay sa win habang ang 10-2 forecast ay may P152.50 dibidendo. (AT)

vuukle comment

AKIRE ONILEVA

ANG MINOTAUR

BRIGHT THUNDER

CHEZKAS MAGIC

GROSS INCOME

HANDICAP RACE

NIU JR.

OKTUBRE

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with