^

PM Sports

Thompson sinapawan si Bryant para sa Warriors

Pang-masa

OAKLAND, Calif. – Ipinagdiwang ni Klay Thompson ang kanyang malaking payday sa pamama­gitan ng isang breakout performance laban sa player na kanyang iniidolo habang lumalaki sa Southern Ca­lifornia.

Umiskor si Thompson ng career-high na 41 points sa kanyang unang laro simula nang pumirma ng contract extension at nakipagtambal kay backcourt star Ste­phen Curry para igiya ang Golden State Warriors sa 127-104 panalo kontra kay Kobe Bryant at sa Los An­geles Lakers.

“I’m not going to lie, it’s a great feat,” wika ni Thompson. “It’s something I’ll look back on one day and say, ‘That’s cool.’”

Tumipa si Thompson, lumagda sa isang four-year ma­ximum extension na nagkakahalaga ng $70 milyon no­ong Biyernes, ng 14-for-18 fieldgoal shooting.

Nagdagdag si Curry ng 31 points at 10 assists at na­lam­pasan ng Warriors ang magandang laro ni Bryant sa sellout crowd na 19,596.

Humugot si Bryant ng 19 sa kanyang 28 points sa third quarter at halos dalhin sa kanilang unang panalo ang Lakers.

Ngunit nilimita ni Thompson si Bryant sa one point sa final quarter.

Ito ang unang pagkakataon na nahulog sa 0-4 ang La­kers sapul noong 1957-58 season.

Sa Philadelphia, nagtala si Chris Bosh ng 30 points at 8 rebounds at may 20 markers si Mario Chalmers para banderahan ang Miami Heat sa 114-96 panalo laban sa Philadelphia 76ers.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 9 points at 10 assists para sa ikalawang panalo ng Heat.

Sa Charlotte, tumipa si Marc Gasol ng 22 points, habang nag-ambag si Zach Randolph ng 12 points at 12 rebounds para ibigay sa Memphis Grizzlies ang 71-69 panalo la­ban sa Hornets para sa ka­nilang 3-0 kartada.

BRYANT

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

GOLDEN STATE WARRIORS

KLAY THOMPSON

KOBE BRYANT

LOS AN

MARC GASOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with