Phl Azkals muling dinomina ang Nepal
MANILA, Philippines – Giniba ng Philippine Azkals ang Nepal, 3-0, sa kanilang friendly match noong Biyernes ng gabi sa Grand Hamad Stadium sa Doha, Qatar.
Ang mga nagbigay ng goals para sa Azkals ay sina Simon Greatwich, Phil Younghusband at Mark Hartmann.
Tinalo rin ng Azkals ni head coach Thomas Dooley ang Nepal, 3-0, noong Abril 12 sa Doha.
Ito ang kauna-unahang goal ni Greatwich sa kanyang international career na nagsimula noong 2008.
Naglaro rin sa unang pagkakataon para sa Azkals si Filipino-Spanish Alvaro Silva.
Kasalukuyang nasa Doha ang Azkals para sa kanilang training camp bilang paghahanda sa 2014 ASEAN Football Federation Suzuki Cup sa Nobyembre 22.
- Latest