Gagawin ni Pacquiao ang ‘di nagawa ni Provodnikov
MANILA, Philippines - Kung nabigong tapu-sin ni Ruslan Provodnikov si Chris Algieri sa first round, ito naman ang siyang isasakatuparan ni Manny Pacquiao.
Bagama’t dalawang beses napabagsak ni Provodnikov si Algieri sa first round ay hindi pa rin nito nagawang tuluyan ang 5-foot-10 na American fighter na nagresulta sa split decision loss ng Russian noong Hunyo.
At dahil sa naturang pagkatalo ay naagaw ni Algieri ang dating hawak na World Boxing Organization (WBO) light welterweight title ni Provodnikov.
“Ruslan got caught with a one punch KO (mentality) instead of letting his hands go and throwing combinations,” obserbasyon ni chief trainer Freddie Roach. “But I still thought it was a very competitive close fight.”
Nakatakdang idepensa ng 5’6 na si Pacquiao ang kanyang hawak na WBO welterweight crown laban kay Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Gagawin ang laban sa catchweight na 144 pounds na sinasabing papabor kay Algieri.
Kumpara kay Provodnikov, mas eksper-yensado na sa laban ang 35-anyos na si Pacquiao sa pagsagupa nito sa 30-anyos na si Algieri.
“I think Manny Pacquiao on the other hand, is more experienced and a better fighter than Ruslan at this point of time,” pagkukumpara ni Roach kina Pacquiao at Provodnikov.
Sinabi ni Pacquiao, naging sparmate si Provodnikov noong 2012, na kung makakasilip siya ng pagkakataon ay pababagsakin niya si Algieri, may walong knockout win lamang sa kanyang 20 panalo kumpara sa 36 KOs ni ‘Pacman’.
Kumpiyansa naman si Algieri na magagamit niya nang husto ang kanyang height at reach advantage para manalo kay Pacquiao at angkinin ang kanyang ikalawang world boxing title.
Parehong nang nasa kasagsagan ng kanilang pagsasanay sina Pacquiao at Algieri halos dalawang linggo bago ang kanilang nakatakdang banggaan sa Macau. (RC)
- Latest