^

PM Sports

Trabaho at volleyball kayang pagsabayin ng Meralco players

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maliban sa pagiging player ng Power Spi-kers ay empleyado rin ng Meralco sina team captain Maureen Penetrante-Ouano, co-captain Mecaila Irish May Morada, Jennylyn Reyes, Stephanie Mercado at Abigail Maraño.

Sinabi ng lima na ang tamang pag-iiskedyul ng kanilang ensayo ang nakakabawas sa kanilang dinadala bilang kawani.

“Time management lang naman ang secret namin kaya hindi kami nahihirapan sa trabaho at sa paglalaro,” sabi ni Reyes, isang customer sales re-presentative ng Meralco sa Sampaloc branch.

Sibak na ang Power Spikers sa kasalukuyang Reinforced Open Conference ng Shakey’s V-League matapos magtala ng 0-5 win-loss record.

Sa kabila ng mahinang ipinakita sa torneo ay walang balak tumigil sa paglalaro ang lima.

“There is definitely some pressure on our part to deliver both at work and in the court but volleyball is something that’s close to our hearts,” wika ni Morada, isa ring customer sales representative ng Meralco kagaya nina Reyes at Pe-netrante-Ouano.

“We may have limited time to train and sharpen our skills, but most of us came from collegiate volleyball teams and we are prepared to take on future endeavors,” dagdag pa ni Morada.

Si Maraño, dating kamador ng La Salle Lady Spikers, ang pina-kabagong idinagdag sa Power Spikers.

“I think the team, especially her fellow La Sallian and former teammate Stephanie Mercado, is excited to train with her,” wika ni head coach Brian Esquibel kay Maraño. (RC)

ABIGAIL MARA

BRIAN ESQUIBEL

JENNYLYN REYES

LA SALLE LADY SPIKERS

LA SALLIAN

MAUREEN PENETRANTE-OUANO

MERALCO

POWER SPIKERS

STEPHANIE MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with