^

PM Sports

Cignal, Petron agawan sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines – Paglalabanan ng Petron at ng Cignal ang lide-rato sa women’s division ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iniha-handog ng Asics sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Magsasagupa ang Blaze Spikers at ang HD Spikers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Foton at ng Mane ‘N Tail sa inter-club tournament na inor-ganisa ng Sports Core katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sinandalan ng Petron sina dating Miss Oregon Alaina Bergsma at Brazilian sensation Erica Adachi, humataw ng 25 points at nagrehistro ng 53 sa 55 excellent sets ng Blaze Spi-kers, ayon sa pagkakasunod, patungo sa kanilang 21-25, 25-16, 25-21, 29-27 panalo sa Lady Stallions.

Nagdagdag naman si rookie Dindin Santiago ng 11 points para sa Petron na binalewala ang 37-point performance ni Mane ‘N Tail import Kristy Jaeckel.

Sa likod nina American duo Sarah Ammerman at Lindsay Stalzer, pinadapa ng HD Spikers ang RC Cola-Air Force Raiders bago isinunod ang Lady Stallions, 25-15, 22-25, 25-19, 26-24, noong nakaraang linggo.

Nagposte si Stalzer, nagmula sa Bradley University, ng 25 points at nag-ambag ng 22 si Ammerman para sa Mane ‘N Tail.

Sa men’s side, lalabanan ng reigning champion PLDT-Air Force ang bagitong Cavite sa alas-6 ng gabi. (RC)

AIR FORCE

BLAZE SPI

BLAZE SPIKERS

BRADLEY UNIVERSITY

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

LADY STALLIONS

N TAIL

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with