Azkals kontra Nepal sa Oct. 31
MANILA, Philippines - Babanderahan nina Phil at James Younghusband ang Philippine Azkals sa pagsagupa sa Nepal sa isang international friendly sa Oktubre 31 sa Doha, Qatar.
Makakasama ng magkapatid na Younghusband sina Anton del Rosario ng Loyola Meralco Sparks, Juani Guirado at Paul Mulders ng Ceres La Salle at Chris Greatwich ng Kaya mula sa United Football League.
Inilampaso ng Azkals ang Nepalese, 3-0, sa Doha noong Abril.
Magbabalik sa line-up si Mark Hartmann, sumipa ng apat na goals sa 5-0 pagdomina ng Azkals sa Papua New Guinea, bukod pa kina Amani Aguinaldo, Misagh Bahadoran, Daisuke Sato at Patrick Deyto ng Global.
Ang iba pang bumubuo sa koponan ay sina Jeff Cristiaens, Manny Ott at Patrick Reichelt ng Ceres, Simon Greatwich ng Loyola Meralco, Kenshiro Daniels ng Kaya, Simone Rota ng Stalions, Fil-Spanish keeper Tomas Trigo ng Team Soccerro, Fil-Swiss Martin Steuble ng Sporting Kansas at veteran Jerry Lucena ng Esbjerg.
- Latest