^

PM Sports

AFC anniversary ipagdiriwang dito sa Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Asian Football Confederation (AFC) sa kanilang pinagmulan matapos ang anim na dekada.

Magiging host ang Pinas sa selebras-yon ng anibersaryo ng pagkakatatag sa governing body ng football sa rehiyon 60 taon na ang nakararaan na pamumunuan ng Philippine Football Federation (PFF).

Itatampok sa isang linggong event ang pagdaraos ng AFC anniversary at awarding ceremonies sa Nobyembre 30 sa Makati Shangri-la Hotel, ayon kay PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

“Perhaps only a few knows that the AFC was founded here in Manila in 1954, and the Philippines was one of the founding member countries,” wika ni Gastanes sa sesyon na inihahandog ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.

“That’s why the AFC decided to hold the anniversary celebration and the accompanying awards night here.” Sinabi ni Gastanes na wala pa siyang natatanggap na impormasyon ukol sa mga gagawing aktibidad sa week-long occasion.

Ngunit binanggit niyang darating ang mga football officials mula sa 47-member countries bukod pa sa mga special guests galing sa iba’t ibang pederasyon.

May posibilidad ring bumisita si FIFA president Sepp Blatter para ma-ging special guest.

“We’re happy and lucky to be given the opportunity to host an event of this magnitude, which can also be tourism-based, too,” sabi ni Gastanes.

ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

EDWIN GASTANES

GASTANES

GENERAL SECRETARY ATTY

MAKATI SHANGRI

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SEPP BLATTER

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with