Pacquiao-Algieri may rematch
LOS ANGELES – Siniguro ni Top Rank big boss Bob Arum na may rematch clause sa fight contract ni Pacquiao para sa kanyang pagsagupa kay undefeated Chris Algieri sa Nov. 23 sa The Venetian Hotel.
“Manny’s fight is also a dangerous fight. Algieri is a determined guy. He’s very, very smart,” sabi ni Arum nang manood ito ng pagkatalo ni Nonito Donaire Jr. kay Nicholas Walters sa Carson California.
Sinabi ng legendary promoter na magagamit lamang ang rematch clause para kay Pacquiao kung mananalo si Algieri.
“Yes, there is,” wika ni Arum. “I put a rematch clause that if Algieri wins I could force a rematch. “That’s if Manny is willing to do it.”
Idinagdag pa ni Arum na walang garantiya kung mananalo si Pacquiao anuman ang sabihin ng mga oddsma-kers na naglagay sa tubong Huntington bilang underdog.
Sinabi ni Arum na hindi isang pi-pitsuging boksingero si Algieri.
“He doesn’t get discouraged as he proved in the (Ruslan) Provodnikov fight,” ani Arum, umalis sa Los Angeles noong Lunes ng gabi para bisitahin si Pacquiao sa Pilipinas.
Ginulat ni Algieri si Provodnikov noong Hunyo para makatapat si Pacquiao.
Mula sa Manila ay bibiyahe si Arum sa General Santos City at sa Biyernes ay magdaraos siya ng media day sa Ge-neral Santos City.
Base sa original plan, isang grupo ng Chinese mediamen ang magtutungo sa Manila para makaharap si Pacquiao isang buwan bago lumaban ang Filipino boxing icon. Ngunit hindi makakara-ting ang mga Chinese.
“I think Manny has his work cut out for him. But according to Freddie (Roach), Manny is training hard for the fight,” ani Arum.
- Latest