Superliga grand prix, 2-0 target ng Cignal Spikers
MANILA, Philippines - Puntirya ng men at women’s team ng Cignal ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa mga kalaban sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na iniha-handog ng Asics sa Cuneta Astrodome.
Haharapin ng Cignal Lady Smashers ang expansion club na Mane ‘N Tail Lady Stallions ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng RC Cola-Air Force Raiders at expansion team na Foton Tornadoes sa alas-4 sa women’s division sa inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Sa alas-6 ng gabi ay magtatapat ang Bench-Systema at ang Cignal sa men’s class.
Nanggaling ang Cignal sa 25-17, 25-23, 25-23 paggiba sa RC Cola-Air Force sa pagbubukas ng torneo kung saan .kumamada si American reinforcement Sarah Ammerman ng 18 points, habang nagdagdag si Lindsay Stalzer ng 15 points.
Muling aasahan ng Cignal sina Ammerman at Stalzer na tatapatan nina dating Florida Gator Kristy Jaeckel at Kaylee Manns ng Mane ‘N Tail.
Makakatuwang nina Jaeckel at Manns para sa hangad na unang panalo ng Lady Stallions sina Mitch Datuin, Lilet Mabbayad, Michiko Castañeda at Sarah Espelita sa ligang may basbas ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at ng Asian Volleyball Confe-deration and FIVB.
Sa men’s division, tatargetin ng Cignal ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Bench-Systema.
Babalikatin nina actor-sportsman Richard Gomez, John Depante, Chris Macasaet at Rocky Hondrade ang Active Smashers.
Samantala, magbibigay naman ng isang pana-nalita ang Filipino-Ame-rican member ng United States men’s volleyball team na si David Mc-Kienzie sa mga players.
Iginiya ng 35-anyos na spiker na si Mc-Kienzie, nagposte ng record-breaking 58-kill performance sa NCAA Division I, ang US squad sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China bago kumampanya sa Puerto Rico at Kuwait.
Nagbalik siya sa US national team noong 2012 para sa kanilang silver medal sa International Volleyball Federation (FIVB) World League at sa 2012 London Games.
- Latest