^

PM Sports

Rosario excited makalaro si Iverson sa charity game

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagtuntong sa hardcourt kasama si NBA great Allen Iverson ay isang pagkakataon na hindi mapapakawalan ni Troy Rosario ng UAAP men’s champion National University.

Bagama’t hindi niya hinahangaan ang 6-foot superstar guard ng Philadelphia 76ers, sinabi naman ng NU power forward na isang karangalan na makasama si Iverson sa ‘All In’ charity basketball event na nakatakda sa Nobyembre 5 sa Mall of Asia Arena.

“Sobrang excited kasi minsan lang ito mangyari. Once in a lifetime lang ito na makasama mo yung napapanood mo lang dati,” sabi kahapon ni Rosario sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate kasama si PCWorx managing director Michael Angelo Chua. Si Rosario ay bahagi ng Team PCWorx ni coach Tim Cone na lalaban sa Team Gawad Kalinga na hahawakan ni Iverson sa one-game charity event.

Bukod kay Rosario, ang iba pang nasa Team PCWorx ay si UAAP MVP Kiefer Ravena at kapatid na si Thirdy Ravena, sina college stars Almond Vosotros, Mark Belo, Javee Mocon, Ola Adeogun, Jaymar Perez and former PBA aces Jerry Codiñera, Marlou Aquino at Willie Miller.

Ang komposisyon ng koponan ni Iverson ay binubuo ng mga Ball Up Streetball All-Stars.

ALL IN

ALLEN IVERSON

ALMOND VOSOTROS

BALL UP STREETBALL ALL-STARS

IVERSON

JAVEE MOCON

JAYMAR PEREZ

JERRY CODI

KIEFER RAVENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with