^

PM Sports

Nagbida si Irving sa panalo ng Cavs

Pang-masa

CLEVELAND --- Umiskor si Kyrie Irving ng 28 points para pangunahan ang Cavaliers sa 107-98 panalo laban sa Chicago Bulls sa isang preseason game.

Pang isang homecoming para sa mga basketball fans ang pagbabalik ng ‘The King’ sa Columbus kasama ang Cavaliers nang tumanggap si LeBron James ng standing ovation mula sa 19,049 crowd  sa pregame introductions sa Value City Arena  sa OSU campus.

“The excitement was there from the time we walked in the building,’’ sabi ni James. “It was a school night; we had a lot of kids, a lot of college kids here. That shows the support there is. The least we can do is try and put on a show.’’

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang Eastern Conference rivals ngunit ang banggaan ng mga guards ang umagaw ng eksena mula kay James.

Tumipa si Irving ng 20 sa kanyang 28 points sa second half, habang ipinagpatuloy ni Derrick Rose ang kanyang magandang inilalaro sa kanyang pagbabalik mula sa torn medial meniscus sa kanang tuhod na dahilan para malimitahan siya sa 10-games noong  nakaraang season.

Tumipa si Rose ng 30 points sa loob ng 24 minuto para sa Bulls at sinabing nagustuhan niya ang pagdedepensa sa kanya ng Cavaliers.

Sa San Antonio, nagtala si Jeff Ayres ng 15 points at may 14 si rookie Kyle Anderson para ihatid ang Spurs sa 106-99 panalo laban sa Sacramento Kings.

Binalewala ng San Antonio ang kinabig ni DeMarcus Cousin na 32 points at 11 rebounds para sa Sacramento.

Tumipa si Marco Belinelli ng 14 points at nagposte si Tony Parker ng 13 points at 5 assists para banderahan ang Spurs (2-3).

Nagdagdag naman si Rudy Gay ng 18 points para sa Kings (2-4) kasunod ang 15 ni Carl Landry at 14 ni Darren Collison.

Sa New York, kumamada si reserve guard O.J. Mayo ng team-high na 24 points, samantalang may 14 si Giannis Antentokounmpo sa 120-107 paglampaso ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks.

Pinamunuan ni Carmelo Anthony ang Knicks sa kanyang 24 points at nag-ambag ng 20 si Tim Hardaway.

Sa Baltimore, nagsalpak si Anthony Davis ng 14 points at nagdagdag ng 11 si Ryan Anderson para tulungan ang New Orleans Pelicans sa 88-84 paglusot sa Washington Wizards.

Lumamang ng 10 points sa likod ni Davis, nagsagawa ang Pelicans ng 24-4 atake para kunin ang 28-12 abante sa 47.4 segundo sa first quarter.

Sa iba pang laro, tinalo ng Atlanta ang Charlotte sa overtime, 117-114; binigo ng Brooklyn ang Philadelphia, 99-88; at di-naig ng Dallas ang Memphis, 108-103.

ANTHONY DAVIS

CARL LANDRY

CARMELO ANTHONY

CHICAGO BULLS

DARREN COLLISON

DERRICK ROSE

PARA

POINTS

TUMIPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with