^

PM Sports

‘Di na natatakot si Donaire

Pang-masa

SANTA CLARITA, California – Halos 24 oras matapos siyang pabagsakin ni Nicholas Walters ng Jamaica sa StubHub Center sa Carson City ay hindi mo makikita ang kalungkutan sa mga mata ni Nonito Donaire Jr.

Sinabi niyang magpapahinga muna siya at magbabalik nang mas malakas at mas mautak para lumaban sa mas mababang weight division.

“Wala na akong takot ngayon. Wala na akong takot matalo,” wika ni Donaire. “Wala na akong takot mawalan ng belt. I just want to learn from this and be better,” dagdag pa nito.

Ang dating featherweight champion ay nasa kanyang suite sa Marriott Hotel sa Manhattan Beach kung saan niya tinanggap ang kanyang mga bisita pati ang mga tawag sa telepono.

Hindi mo makikita sa kanya ang pagkadismaya at kalungkutan dahil sa pag-ngiti niya habang kausap ang ilang bisita.

Tinapatan ni Donaire si Walters nang buong tapang at muntik pang makaiskor ng isang knockdown sa second round. Ngunit nang umatake ay siya ang napatumba sa third round.

Sa unang pagkakataon sa kanyang 13-year career na nagtampok sa kanyang mga world titles sa apat na magkakaibang weight classes ay napatumba si Donaire.

Aminado si Donaire na napabayaan niya ang kanyang depensa sa third round.

“He caught me with that uppercut. That changed the game. I didn’t see that. I knew my power was still there but it took away my legs, my body,” ani Donaire.

Matapos ang three rounds ay tumama sa kanya ang matinding overhand right ni Walters.

Sinabi ni Donaire na mas nanaig sa kanya na pabagsakin si Walters.

“I gave it everything and I had the opportunity. But I got too eager. Sakit ko ‘yun. During the break, my dad told me we had the advantage. He asked me to box,” sabi ni Donaire.

Base sa official punch stats, nagpa-kawala si Donaire ng 169 punches, ang 40 dito ay tumama, habang may 85 si Walters mula sa kanyang 284 suntok.

Nagposte naman si Walters, ang nag-iisang WBA featherweight champion, ng 162 jabs na kumonekta ng 44 beses kay Donaire na may 59 jabs at apat lamang ang tumama.

“He has a very good jab,” sabi ni Donaire. “In the third round, I got too eager. I wanted to fight him face to face. I never backed down. ‘Yun ang dugong Pi-lipino. That’s how I am,” dagdag pa nito.

“I went down swinging – not running. Mahilig lang ako talaga sa toe-to-toe action. But he dominated me and I learned a lot from there,” wika ni Donaire.

BUT I

CARSON CITY

DONAIRE

MANHATTAN BEACH

MARRIOTT HOTEL

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE JR.

SINABI

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with