^

PM Sports

Bergsma at Santiago nagtuwang para sa Petron

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagdomina sina Ame­rican Alaina Bergsma at Fi­lipina spiker Dindin San­tiago para ihatid ang Pet­ron sa 26-24, 25-18, 23-25, 25-23 panalo laban sa Generika sa 2014 Phi­lip­pine Super Liga Grand Prix na inihahandog ng Asics noong Sabado ng ga­bi sa Smart Araneta Co­liseum.

Humataw ang 6-foot-3 na si Bergsma ng team-high na 23 points para pa­tu­na­yang hindi lamang ang pagiging Miss Photogenic noong 2012 Miss USA beauty pageant ang kanyang maipapakita.

Nagdagdag ang 6’2 na si Santiago ng 22 points para sa Blaze Spikers sa na­sabing inter-club tour­na­ment na inorganisa ng Sports Core katuwang ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang tech­nical partners.

Nagposte naman si Erica Adachi ng Brazil ng 47 sa kabuuang 49 excellent sets ng Petron.

Matapos umasa kay Bergsma sa first set ay bi­nigyan naman ng bola ni Adachi sina Santiago at Frances Molina para iwanan ang Generika. (RC)

ALAINA BERGSMA

BERGSMA

BLAZE SPIKERS

DINDIN SAN

ERICA ADACHI

FRANCES MOLINA

GENERIKA

HEALTHWAY MEDICAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with