Sa banggaan nina Donaire at Walters mag-uunahan sa knockout
CARSON, California – Ibang ‘Filipino Flash’ ang makikita ng mga boxing fans sa sasagupa kay Nicholas Walters ng Jamaica ngayon sa StubHub Center.
Ito ang ipinangako ni Nonito Donaire, Jr. sa kanilang bakbakan ni Walters para sa dalawang World Boxing Association (WBA) featherweight titles.
“I don’t think I’m the same fighter as before. I trained to be a different fighter. I’m getting better,” sabi ni Donaire.
Ito ay isang krusyal na laban dahil kung matatalo si Donaire (33-2-0, 21 KOs) kay Walters (24-0-0, 20 KOs) ay maaari na niyang ikunsidera ang ibang bagay maliban sa boksing.
Si Walters ay isang mapanganib na kalaban kay Donaire.
Subalit alam ni Donaire na kaya niya si Walters dahil sa ginawa niyang mahabang pagsasanay at ito na marahil ang pinakamaganda niyang kondisyon.
Ngunit isang foreign scribe ang nagsabi na narinig na niya ito noon kay Donaire, ang 2012 Fighter of the Year, at hindi na impresibo ang kanyang ipinakita sa nakaraan niyang mga laban.
“The old Donaire was very confident, very young and talked a lot,” sabi ni Donaire.
“This time it’s the knowledge and it’s the experience. I’m wiser. I don’t say much (now). I just do what I need to do,” dagdag pa nito.
Ang dating Donaire ay palagiang naghahanap ng paraan para makaiskor ng knockout.
Subalit ngayon ay mas teknikal na ang kanyang istilo.
“I was just had one style before and that’s to knock people’s head off. This time we’re bringing it back to being a multi and technical fighter,” ani Donaire.
Nagulat naman si Walters nang piliin siyang labanan ni Donaire.
“I’m surprised. I thought he would dodge me. Maybe he’d seen something I haven’t seen,” wika ni Walters.
Parehong pumasa sina Donaire at Walters sa weigh-in na pinamahalaan ni ring announcer Michael Buffer.
Sina Donaire at Walters ay tumimbang ng parehong 125.6 pounds para makapasa sa weight limit na 128 pounds.
- Latest