Iba na ngayon ang National University
MANILA, Philippines - Ninabamnam pa ang tagumpay matapos wakasan ang 60 taong kabiguan at sakit pati na ang mga pa-ngungutya sa kanila, sinabi ng UAAP Season 77 men’s basketball champion National University Bulldogs na mas mahalaga pa sa tropeo ang kanilang tagumpay.
“Finally, now we can say that we have earned the respect of the league,” wika ni NU coach Eric Altamirano matapos igiya ang paaralan sa unang UAAP title sapul noong 1954.
Palagiang nangungulelat sa nakaraang mga taon, nakipagkita ang Bulldogs sa kanilang kapalaran matapos talunin ang Far Eastern U, 75-59 para sa isang come-from-behind 2-1 win sa kanilang title series.
Ang Bulldogs ang naging unang No. 4 seed na kumuha ng UAAP crown sapul nang ipatupad ang Final Four sa liga.
“This is for all the players na nagdaan sa NU na nari-ridicule sila, pinagtatawanan sila, ‘yung frustrations nila of not being able to win a single game,” sabi ni Altamirano. “Lahat ng paghihirap nila, naisip namin ‘yun ngayon, para sa kanila ito,” dagdag pa nito.
Ang koponan ni Altamirano ang nagbalik ng karangalan sa mga NU students at supporters na palagiang dumadagsa sa venues at tumulong sa pagtatala ng mga record breaking crowds na 24,896 at 25,138.
“Dati pag naglalakad ka, NU ka, nahihiya ka, ayaw mo suot t-shirt mo. Ngayon, nakikita ko naglalakad sila, they’re very proud of their school. So I’m just happy to be part of this community,” ani Altamirano.
Hindi naman nagulat si NU chairman Hans Sy na ang kanilang programa at pagkuha ng mga players matapos ang anim na taon ay kaagad na magkakabunga.
“It’s part of the plan. I wouldn’t say it came so fast; it was a year late pa nga,” wika ni Sy.
Ang tinutukoy niya ang kanilang kampanya sa Season 76 kung saan nakuha ng NU ang top seed sa semis bago yumukod sa No. 4 team na University of Santo Tomas.
“Everything just fell into place. I wouldn’t say we predicted it but we worked very hard for it and one of the best things, I’ve been telling everyone, the win obviously showed it’s a team game,” sabi ni Sy.
- Latest