Systema Active Smashers nalo sa RTU
MANILA, Philippines - Naipakita ni Salvador Depante ang kanyang tunay na laro para tulu-ngan ang Systema Active Smashers sa 25-18, 22-25, 25-17, 25-22, panalo sa Rizal Technological University Blue Thunders sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference men’s division kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Gumawa lamang ng pinagsamang 15 puntos sa naunang laro laban sa Instituto Estetico Manila Volley Masters at FEU Tamaraws, si Depante ay tumapos bitbit ang 26 hits, mula sa 20 kills at limang blocks.
Gumawa pa si Angelo Espiritu ng 19 hits at may 18 kills at ang pinagsamang 38 kills nina Depante at Espiritu ay sobra-sobra na sa 31 na kabuuang attack points na ginawa ng Blue Thunders.
Ito ang ikalawang pa-nalo sa 3-laro sa Active Smashers para saluhan sa unang puwesto ang pahi-ngang IEM sa pagtatapos ng first round sa ligang i-norganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Dominado ng Systema ang larong tumagal ng isang oras at 48 minuto dahil hawak nila ang 55-31 bentahe sa attack points, may 13-9 kalamangan sa blocks at 5-2 abante sa aces upang maisantabi ang kanilang 40 errors.
Namahala sa opensa ang setter na si John Angelo Macalma na may 34 excellent sets bukod pa sa dalawang service aces.
Bumaba ang RTU sa 1-2 baraha tulad ng FEU at nasayang ang pinagsamang 34 puntos nina Sahud Masahud, Carlo Sebastian at Pathie Jamiri.
- Latest