Parehong knockout ang habol nina Donaire at Walters
SANTA MONICA, California – Pareho silang nangako ng knockout.
Malalaman na lamang kung sino ang unang makakagawa nito.
“We both have speed, we both have power. It’s an explosive fight. This is going to end in a knockout. I will go into the ring and do my best,” sabi ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. matapos ang kanilang magkasunod na media workout ni Nicholas Walters sa 202 Fitness Gym.
Umakyat si Donaire sa ring at paminsan-minsan ay sumasabay sa indayog ng musika.
Sinabi ni Donaire na handang-handa siyang labanan si Walters sa Linggo (Manila time) sa StubHub Center sa Carson.
“No worries at all. I’m going in there and do my talking inside the ring,” sabi ni Donaire.
Ayon kay Donaire, matagal na ang 12 rounds para pabagsakin niya si Walters.
“Twelve rounds is long. I’d rather finish it as early as possible,” deklarasyon ni Donaire.
Naunang dumating sa gym ang undefeated boxer mula sa Montego Bay sa Jamaica kung saan kaagad siyang nag-shadow-boxing at skipping ropes sa harap ng mga camera bago umakyat ng ring kasama ang kanyang chief trainer.
Nagpapawis si Walters sa pamamagitan ng punch mitts ng ilang rounds bago hinarap ang media.
“Definitely I’m thinking about the knockout. I just don’t want an A. I want an A-plus. A knockout is an A-plus. I always think about the knockout,” wika ni Walters nagtala ng 20 knockouts sa kanyang 24 panalo.
Ayon kay Walters, abangan na lamang kung ano ang mangyayari sa kanilang bakbakan ni Donaire.
Ngunit nangako siya ng knockout win.
“Let’s see how it goes on Saturday. If he (Donaire) doesn’t come out the way he’s supposed to come out then he’s going to get stopped,” dagdag ni Walters.
- Latest