^

PM Sports

3 bagong teams, mga bagong imports magpapainit sa Superliga Grand Prix

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipakikita ng dalawang bagong koponan sa wo-men’s division at isa sa men’s class ang kanilang mga lakas laban sa mga veteran squads na sasabak sa imports-laden 2014 Philippine Superliga Grand Prix na inihahandog ng Asics at hahataw sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Handa na ang Mane and Tail Lady Stallions at maging ang Foton Tornadoes na harapin ang mga ve-teran teams na Petron, Cignal, RC Cola at Generika sa kanilang kampanya para sa women’s title sa unang pagkakataon sa pioneering club league na may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng Phi-lippine Volleyball Federation (PVF) at kinikilala rin ng International Volleyball Federation (FIVB).

Kakasa naman ang Cavite Patriots sa PLDT-Air Force, Cignal at Maybank para sa men’s division crown.

Ang Philippine Superliga, inorganisa ng SportsCore katuwang ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners, ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga active players na muling makapaglaro bilang suporta sa PVF programs na nasa mandato ng FIVB at ng AVC.

Ang mga opening day tickets ay maaari nang bilhin sa ticketnet (www.ticketnet.com.ph) sa halagang P100 at P200.

Ipapalabas ang mga laro sa Solar Sports, ang official TV partner ng Superliga, na may temang: “Ito ang Volleyball,” at siguradong makakapanood ng mga kapana-panabik na mga aksyon para sa mga league fans na tumunghay din sa unang apat na komperensya.

Hindi pa makikita sa laro ang Mane and Tail Lady Stallions at ang Foton Tornadoes sa opening day kung saan maghaharap ang Cignal at ang RC Cola sa alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Generika at Petron sa alas-4 matapos ang opening ceremonies na pamamahalaan ni Superliga founder at president Ramon ‘Tats’ Suzara, isang dating national junior player.

Kung ang men’s division ay tungkol sa lakas, kagandahan at talento naman ang matutunghayan sa women’s division.

Si Alaina Bergsma, ang Ms. Oregon 2012 at dating Ms. USA finalist, ang sinasabing magiging ‘crowd darling’ tulad ng retirado nang si Leila Barros ng Brazil.

Maglalaro si Bergsman, giniyahan ang University of Oregon volleyball team at ang All-American NCAA team, kasama si Brazilian Erica Adachi para sa Petron Blaze Spikers.

Magpaparada naman ang RC Cola ng dalawang American reinforcements sa katauhan nina Bonita Wise at Emily Brown.

AIR FORCE

ANG PHILIPPINE SUPERLIGA

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BONITA WISE

BRAZILIAN ERICA ADACHI

CIGNAL

FOTON TORNADOES

MANE AND TAIL LADY STALLIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with