Caldwell-Pope nadale sa pagkatalo ng Detroit
WASHINGTON – Nilisan ni Kentavious Caldwell-Pope ang third quarter dahil sa sprain sa kaliwang tuhod na nagresulta sa 89-91 kabiguan ng Detroit Pistons sa Washington Wizards.
Bumagsak si Caldwell-Pope, isang second-year guard mula sa Georgia, sa ilalim ng basket ng Washington at kinailangan ng tulong para makabalik sa locker room. Umiskor siya ng 12 points sa loob ng 24 minuto.
‘“We’ll re-evaluate it going forward,’’ sabi ni Pistons coach Stan Van Gundy. “We’ll get him an MRI and we’ll go from there, see what’s going on.’’
- Latest