Makapagtala ng kasaysayan ang pakay ng 4-NCAA teams
MANILA, Philippines - Magkakaibang istilo ang ginamit ng apat na koponang umabante sa 90th NCAA Final Four.
Subalit may isa silang pagkakatulad -- hangad nila ang makapagtala ng kasaysayan.
Hangad ng San Beda na maging unang koponang nakapasok sa NCAA Finals sa pang-siyam na sunod na taon, ngunit tatangkain silang pigilan ng Perpetual Help sa banggaan nila sa Final Four sa Miyerkules sa MOA Arena in Pasay City.
“San Beda has this tradition of making the finals the last eight years and we don’t want to break that,” wika ni Red Lions’ head coach Boyet Fernandez.
Layunin naman ng Arellano University ang kanilang kauna-unahang finals stint matapos sumali sa liga limang seasons na ang nakararaan sa pagsagupa sa Jose Rizal University. Inilampaso ng Red Lions ang Chiefs, 97-69, noong Biyernes para maging top seed kasabay ng paghuhulog sa huli sa No. 2.
Nalampasan naman ng Jose Rizal ang Perpetual Help sa pamamagitan ng 82-79 overtime win para kunin ang No. 3 seed at inilaglag ang huli sa No. 4.
Ang nasabing mga panalo ang nagtakda sa pagharap ng San Beda sa Perpetual Help, ang koponang tinalo nila sa Final Four noong 88th season, at ang pagsagupa ng Arellano sa Jose Rizal, parehong nasibak sa nakaraang season.
Hawak ng San Beda at Arellano ang ‘twice-to-beat’ advantage at kailangan na lamang manalo ng isang beses para magkita sa best-of-three finale, samantalang dalawang panalo ang dapat maitala ng Jose Rizal at Perpetual para ayusin ang kanilang title series.
- Latest