^

PM Sports

2 matatangkad na sparmates ni Pacquiao darating na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang matatangkad na boksingero ang darating sa Pinas ngayong linggo para tumulong sa paghahanda ni boxing icon Manny Pacquiao sa kanyang nalalapit na pakikipagsagupa kay  Chris Algieri.

Ayon sa isang artikulo sa Philboxing.com, darating si chief trainer Freddie Roach sa General Santos City kasama ang mga boksingerong sina Stan Martyniouk at Viktor Postol bilang mga sparring mate ni Pacquiao sa pagsisimula ng kanyang intensibong training.

Si  Postol, undefeated Ukrainian light welterweight na may  26-0 win-loss record, kasama ang 11 knockouts, ay 5-foot-11. Si Martyniouk naman ay 5-foot-10 lightweight mula sa US.

“Matatangkad sila, lalo na si Viktor, 5’11” ata yung si Viktor Postol. At saka pareho silang boxer, lalo si Viktor Postol, magaling mag-jab ‘yun,” ayon sa quote ng training assistant ni Roach na si Marvin Somodio.

Inaasahang maibibigay ng dalawang boksingero  kay Pacquiao ang training na kailangan sa kanyang pagharap sa matangkad at mahaba ang reach na boxer na gaya ni  Algieri, may taas na 5-foot-10.

Nagawang talunin ni Pacquiao ang 5-foot-11 na si Antonio Margarito apat na taon na ang nakakaraan ngunit ang Mexican boxer ay may limitadong boxing skills at mobility.

Si Algieri ay may sharp jab at solidong boxing skills.

Nagsimula na ng training si Pacquiao noong nakaraang linggo sa ilalim ni conditioning coach Justin Fortune.

Makakasagupa niya si Algieri sa Nov. 23 sa Cotai Arena ng The Venetian Macao sa Macau, China.

ALGIERI

ANTONIO MARGARITO

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

JUSTIN FORTUNE

PACQUIAO

VIKTOR POSTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with