^

PM Sports

Cavs nalo sa unang salang ni LeBron

Pang-masa

CLEVELAND – Panalo si LeBron James sa kanyang unang NBA appearance para sa Cleveland mula nang iwanan niya ito nang lumipat siya sa Miami noong 2010.

Iginupo ng Cavaliers ang Maccabi Tel Aviv, 107-80 sa isang international exhibition game noong Linggo.

Kasama sa starting five si James ngunit lumaro lang ng 20-minuto at hindi na sumalang pa sa se-cond half ngunit tumapos siya ng 12-points mula sa kanyang 4-of-11 shooting bukod pa sa kanyang 4-rebounds at 4-assists.

Nagtala naman si Kevin Love, nakuha ng Cavs mula sa Minnesota sa isang malaking trade deal, ng 8-puntos at 11-rebounds sa kanyang debut game din para sa Cleveland.

Isang matinding hamon para kay coach David Blatt ang makatapat ang Maccabi, ang club team na kanyang ginabayan sa loob ng anim na seasons at iginiya sa ilang titulo.

Iniwanan ng Cavs ang defending Euro League champions sa 15 points sa halftime at hindi na nakuhang makalapit sa second half.

“He was very nervous, excited, uptight - and rightfully so,” sabi ni James kay Blatt. “He has a lot of ties to that team, a lot of ties to that community, that city, that country and his first real game is against his former team. So I don’t know how much he slept last night.”

Prinotektahan ni James ang kanyang likod at hindi pinag-ensayo ni Blatt noong Biyernes kaya naman pinagpahinga na lamang  ni Blatt ang NBA superstar sa second half.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 16 points para sa Cavaliers na humakot ng kabuuang 64 rebounds kumpara sa 36 ng Maccabi.

Umiskor si Sylvan Landesberg ng 23 kasunod ang 18 ni Jeremy Pargo para sa Maccabi.

vuukle comment

BLATT

DAVID BLATT

EURO LEAGUE

JEREMY PARGO

KEVIN LOVE

KYRIE IRVING

MACCABI

MACCABI TEL AVIV

SO I

SYLVAN LANDESBERG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with