^

PM Sports

Goodbye Incheon, hello Jakarta

Pang-masa

INCHEON, South Korea – Susunod na magho-host ng Asian Games ay ang Jakarta, Indonesia para sa ika-18th edisyon ng kompetisyon sa taong 2018.

Ang Hanoi Vietnam ang unang nanalo sa bidding para sa susunod na Asian Games ngunit umatras sila dahil sa kanilang mga problemang pang-ekonomiya, ayon sa Olympic Council of Asia.

Ang bid ng Hanoi ay para sa 2019 ngunit iho-host ng Indonesia ang event sa 2018 para hindi ito su-mabay sa presidential elections sa susunod na taon.

Ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Indonesia na Surabaya ay natalo sa Hanoi sa orihinal na bidding para sa 18th Asiad ngunit bumalik ang Indonesia Olympic Committee na inialok ang Jakarta na siyang host ng event katulong ang Palembang na sentro ng Sumatra.

Nag-host na ang Indonesia ng Asian Games sa ikaapat na edisyon ng kompetisyon noong 1962 at naging host na rin ng iba pang malalaking international events kabilang ang kauna-unahang Asian Beach Games sa Bali noong 2008.

Nagtapos ang Incheon Asian Games noong Sabado sa pamamagitan ng makulay na lights show at fireworks at kantahan sa Incheon National Stadium.

Nakibahagi sa kasiya-han ang mga naiwang atleta sa 150-kataong ipinanlaban ng Pinas mula sa  karate, boxing at taekwondo para sa pagsasara ng 16-araw na kompetisyon kung saan 439 gold medals ang pinag-labanan para ipakita ang unity at friendship.

Nagkaroon ng palitan ng uniporme sa pagitan ng mga atleta, autograph signing at selfies habang nagkakasiyahan bago tuluyang mamatay ang urno na nakasindi ng 16-araw habang idinaraos ang pa-laro na muling dinomina ng China sa pagkopo ng kabuuang 151 gold, 108 silver at 83 bronze medals.

Pumangalawa ang Korea matapos agawan  ng puwesto ang Japan  sa paghakot  ng kabuuang 79-71-84 gold-silver-bronze medals malayo sa 47-76-77 produksiyon ng mga Hapon.

 

vuukle comment

ANG HANOI VIETNAM

ASIAD

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN GAMES

HAPON

INCHEON ASIAN GAMES

INCHEON NATIONAL STADIUM

INDONESIA OLYMPIC COMMITTEE

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with