Silver medal kay Suarez Bronze pa mula sa taekwondo
INCHEON, Korea -- Hindi dumating ang inaasahang gintong medalya ng Team Philippines na nakontento sa isang silver at dalawang bronze me-dals lamang papasok sa penultimate day ng 17th Asian Games.
Hindi pinalad si Charly Suarez kay Otgondalai Dornjnyambuu ng Mongolia sa nalasap na 30-27, 28-29, 28-29 desisyon sa lightweight finals para makontento sa silver.
Bigo ang walong Pambansang boksinge-ro na makakuha ng gintong medalya dahil sina Olympian Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at Wilfredo Lopez ay nakasya lamang din sa bronze medals sa light flyweight, bantamweight at middle weight divisions, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nabokya ang panlaban ng bansa sa boxing kapag ang Asiad ay ginagawa sa Korea.
Bigo rin ang mga lahok ng ABAP noong 2002 Busan Asiad Games.
Hindi naman lilisanin ng delegasyon ang boxing arena nang hindi ipaaalam ang mga kuwestiyonableng desisyon ng mga huradong kinuha sa kompetisyon.
Sumulat si ABAP exe-cutive director Ed Picson kay tournament supervisor David Francis para tingnan ang mga ‘di magandang desisyon sa ibang laban, kasama na ang tagisan nina Ian Clark Bautista at Korean pug Choe Sangdon na nauwi sa unanimous decision win ng huli kahit bugbog siya kay Bautista.
Sinegundahan ito ni Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia na sumulat kay Olympic Council of Asia (OCA) president Sheikh Ahmad Fahad Al-Sabah para ipag-utos ang pagrebisa sa ilang kuwestiyonableng laban.
“I also spoke with Mr. Haider AHE Farman, the OCA Director for the Asian Game Department. We are not filing a protest but want the OCA and AIBA to see our point. Mr. Haider is also seriously looking at how boxing was managed,” wika ni Garcia.
Wala ring suwerte ang mga taekwondo jins dahil si Kristie Alora ay bronze lamang ang nakayanan habang luhaan sina John Paul Lizardo at Francis Agojo sa pagtatapos ng kompetisyon.
Umabot sa semifinals si Alora pero kinapos kay Seavmey Sorn ng Cambodia, 5-6, para sa bronze medal sa women’s -73 kg.
Sina Lizardo at Agojo ay hanggang quarterfinals lang umabot sa men’s -54 at -58 divisions.
Matapos ang tatlong araw na tagisan sa taekwondo, ang Pilipinas ay nanalo ng limang bronze medals, na mas mataas ng isa kumpara sa naabot noong 2010 sa Guangzhou, Asian Games.
Si Mae Soriano ay nakasipa ng bronze nang talunin sa repechage si Cok Istri Agung Sanistyarani ng Indonesia, 11-3, sa wo-men’s 55-kg division.
Ang kompetisyon ay magsasara ngayon at si Gay Mabel Arevalo na lamang ang huling panlaban ng Pilipinas sa wo-men -50kg sa karatedo,
Nanatili ang Pilipinas sa 22nd puwesto bitbit ang isang ginto, tatlong pilak at 11 bronze medals at nananatiling nasa ikapitong puwesto sa hanay ng mga South East Asian countries.
- Latest