^

PM Sports

P1M incentive ni Caluag ibibigay na ng PSC

BRepizo-Meraña at ATan - Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Dadaan muna ang Fil-American BMX rider Daniel Caluag ng Pinas bago umuwi sa Amerika para makuha ang kanyang cash incentive na P1 milyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos ibigay sa bansa ang unang gintong medalya sa 17th Asian Games dito.

Ngunit ang naturang insentibo ay hindi sosolohin ni Caluag, ang ama ay tubong Nueva Ecija at ang ina ay taga-Bulacan.

“I’ll come home to meet my lola. I will also give her part of my incentives,” sabi ni Caluag sa kanyang lo-lang si Isabela. “I also would like her to know about Isabella.”

Si Isabella ay ang kanilang walong-araw na supling ng asawang si Sydney.

Tiniyak naman ni PSC chairman Ricardo Garcia na makukuha ni Caluag ang kanyang P1 million cash insentive bago siya bumalik sa California, USA.

Bago makamit ng 27-anyos na si Caluag ang unang gold medal ng bansa sa Incheon Asiad ay nabigo muna siyang makapag-uwi ng medalya noong 2012 Olympic Games sa Beijing, China.

Umaasa si Caluag, isang registered nurse sa US, na makakapaglaro sa 2016 Olympics sa Rio De Janeiro sa Brazil.

Paghahandaan din niya ang 2015 Southeast Asian Games sa Singapore at ang World Championships sa Belgium.

“I’m really looking forward to making it to Rio (Olympics),” ani Caluag. “But first, there is also the Southeast Asian Games to prepare for next year.”

Sa ganap na ika-1:30 ng hapon magsisimula ang incentive-giving na kung saan si PSC commissioner Salvador Andrada ay sasamahan ni POC president Jose Cojuangco Jr. at PhilCycling president at Tagaytay City representative Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang coach ni Caluag na si Greg Romero ay mabibiyayaan din ng P500,000.00 base sa insentibo na nakasaad sa Republic Act 9064.

Inaasahang darating sa bansa si Caluag kagabi at plano niyang tumulak pabalik ng US ngayong gabi.

Ang iba pang medalists ng pambansang delegasyon ay gagawaran ng kanilang insentibo sa pagbabalik ni PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia.

Base sa Incentives Act, ang pilak ay nagkakahalaga ng P500,000.00 habang P100,000.00 ang bawat bronze medal.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

CALUAG

CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

DANIEL CALUAG

GREG ROMERO

INCENTIVES ACT

INCHEON ASIAD

JOSE COJUANGCO JR.

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with