^

PM Sports

Easy win para sa San Sebastian

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinuha ng San Sebastian Stags ang ikalawang dikit na  panalo sa pamamagitan ng 107-73 tagumpay sa paralisadong Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinamantala ng Stags ang katotohanang limang manlalaro lamang ang naglaro para sa Generals kaya’t walang naging problema kahit 13 manlalaro ang nabigyan ng playing time para hablutin ang ikalimang panalo sa 16 laro.

Ibinagsak nina Jovit dela Cruz at Jaymar Perez ang 16 at 11 puntos sa first half para itulak ang bataan ni coach Topex Robinson sa 69-39 kalamangan.

Ito na ang huling laro ng Generals sa pinakamatandang liga at ang kanilang naiwang marka ay nagawa nilang tapusin ang laro gamit ang limang players lamang.

Walong manlalaro pa ng Generals ang suspindido dulo’t ng rambulan na sinuong ng koponan kontra sa Mapua Cardinals sa huling laro.

Si Jerald Serrano ay mayroong 20 puntos para pangunahan ang Generals.

Ang Cardinals na dapat ay kalaro ng Letran  Knights sa unang laro ay natalo sa pamamagitan ng forfeiture bunga ng kawalan ng kakayahan na makabuo ng limang players.

Walong Cardinals ay nasuspindi dahil sa nangyaring free-for-all.

Umakyat ang Knights sa 7-9 habang ang Mapua ay lumasap ng ika-12 pagkatalo laban sa apat na panalo.

San Sebastian 107- Dela Cruz 16, Camasura 13, Perez 11, Pretta 11, Costelo 8, Balucanag 8, Fabian 7, Santos 6, Mercado 6, Guinto 5, Yong 4, Ortuoste 3, Alvarez 0

EAC 73- Serrano 20, Indin 17, Mejos 14, General 11, Pascual 11.

Quarterscores: 35-18; 69-39; 92-48; 107-73. (AT)

ANG CARDINALS

DELA CRUZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GE

JAYMAR PEREZ

MAPUA CARDINALS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN STAGS

SI JERALD SERRANO

TOPEX ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with