^

PM Sports

May medal na ang boxers

BRepizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea – Hindi mawawalan ng kontribusyong medalya ang mga Pinoy boxers.

Sumiguro si Charly Suarez ng bronze medal nang talunin niya si Ammar Jabbar Hasan ng Iraq sa quarterfinals ng lightweight division kahapon sa 2014 Asian Games sa Seonhak gymnasium dito.

Agresibong hinarap ni Suarez ang Iraqi boxer at pinaulanan niya ng suntok sa kabuuan ng tatlong rounds para sa unanimous decision win na nagdala sa kanya sa semifinal round ng men’s lightweight 60kg.

Nabawasan pa ng puntos ang 26-anyos na si Suarez sa second round pero hindi ito nakaapekto sa kanyang kampanya matapos ang 29-27 iskor sa tatlong hurado.

Ito ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa boxing at puwede pang maging gintong medalya kung palarin ang 2011 SEA Games champion sa semifinals bout laban kay Obada Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan sa Huwebes.

Umabante si Alkasbeh sa Final Four sa 3-0 panalo kay Soonshul Han ng Korea.

Lumapit naman si middleweight Wilfredo Lopez sa isang panalo para makatiyak ng bronze medal sa pamamagitan din ng unanimous decision win panalo kay Waheed Abdulridha ng Iraq sa  men’s middleweight 75kg.

Sunod na kalaban ng 29-anyos na si Lopez, silver medalist ng 2013 Myanmar SEA Games, si Shinebayar Naritandakh ng Mongolia sa quarterfinals ngayon.

Pagsisikapan din nina Olympian Mark Anthony Barriga at Mario Fernandez na dagdagan pa ang aasahan sa medalya sa boxing sa pagsalang sa quarterfinals ngayon.

Katunggali ni Barriga si Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan sa light flyweight habang si Fernandez ay makikipagbasagan ng mukha kay Shiva Thapa ng India sa bantamweight division.

Apat na lamang ang natitirang panlaban ng Pinas sa boxing dahil nasibak na sina Ian Clark Bautista at Dennis Galvan sa kalalakihan pati na sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio sa kababaihan.

AMMAR JABBAR HASAN

ASIAN GAMES

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

FINAL FOUR

HASANBOY DUSMATOV

IAN CLARK BAUTISTA

JOSIE GABUCO

MARIO FERNANDEZ

NESTHY PETECIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with