^

PM Sports

Phl Army asam ang back-to-back title sa Shakey’s 3rd conf.

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na koponan sa pangunguna ng Open Conference champion Philippine Army ang mangunguna sa mga kasali sa Shakey’s V-League Third conference na magbubukas na sa Oktubre 5.

Ang Lady Troopers ay magtatangka ng kanilang ikalawang sunod na titulo matapos pagharian ang Open Confe-rence kontra sa dating kampeon na Cagayan Valley Lady Rising Suns.

Magbabalik din ang Lady Rising Suns bukod pa sa mga koponan ng Meralco at PLDT Home Telpad.

Ang Army ay nililigawan din ng isang liga na magbubukas na sa kalagitnaan ng susunod na buwan  ngunit nagkumpirma ng pagsali uli sa ligang naunang nagpasigla sa women’s volleyball sa bansa.

Sina Finals MVP Jovelyn Gonzaga ay muling makikipagtulungan kina Rachel Ann Daquis, Mary Jean Balse, Nerissa Bautista at Tina Salak para sa pangalawang dikit na titulo sa 2014 season.

Handa naman ang Rising Suns na pigilan ito lalo pa’t solido rin ang kanilang puwersa sa pagbabalik nina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Rosemarie Vargas at Janine Marciano.

Magiging bisita ang pamunuan ng Sports Vision sa PSA Forum sa Shakey’s Malate sa Martes para maibulalas ang iba pang detalye tulad ng iba pang kasali at format ng liga. (AT)

 

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANG ARMY

ANG LADY TROOPERS

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD

JANINE MARCIANO

JOVELYN GONZAGA

LADY RISING SUNS

MARY JEAN BALSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with