^

PM Sports

May kontribusyon ang archery

Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Nagbigay ng kontribusyon ang archery sa kampanya ng Pinas sa Asian Games.

Kumuha si Paul Marton Dela Cruz  ng bronze medal sa individual event matapos ang 140-139 panalo kay Muhammad Zaki Bin Mahazan ng Malaysia sa Gyeyang Asiad Archery Field dito.

Sa pang-apat na end nakalamang ng isang arrow si Dela Cruz at kanya itong napanatili nang tapatan ang 28 puntos na ginawa ng Malaysian archer sa huling tatlong arrows para sa ikalawang bronze medal at pang-apat na medalya ng Pinas.

Matatandaan na naghatid  ang mga wushu bets ng  unang tatlong medalya kung saan  sina Jean Claude Saclag at Daniel Parantac ay nagbigay ng pilak at tanso naman si Francisco Solis.

Umabante sa finals ang 28-anyos, dating recurve archer na si Dela Cruz nang igupo  sina Ahmed Abdulla Alabadi ng Qatar, 141-138; kababayang si Earl Benjamin Yap, 145-141; at Sandeep Kumar ng India, 141-135  para pumasok sa semifinals.

Pero natalo si Dela Cruz sa top seed  na si Esmaeil Ebadi ng Iran, 141-145, para malaglag sa bronze medal match.

Kasama rin ni Dela Cruz sina Yap at Ian Chipeco sa men’s team na pumasok sa bronze medal match pero tinalo sila ng Iran, 224-227, para malagay sa pang-apat na puwesto. (BRM)

 

AHMED ABDULLA ALABADI

ASIAN GAMES

DANIEL PARANTAC

DELA CRUZ

EARL BENJAMIN YAP

ESMAEIL EBADI

FRANCISCO SOLIS

GYEYANG ASIAD ARCHERY FIELD

IAN CHIPECO

JEAN CLAUDE SACLAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with