May darating pang puwedeng asahan
INCHEON, South Korea—May mga maaasahan pa ang Pinas sa gintong medalya sa kasalukuyang 17th Asian Games sa pagdating ng iba pang pambatong atleta.
Darating na sa Athletes Village ang iba pang kabilang sa 150-atletang panlaban ng Pinas para itaas ang bandila ng mga Pinoy.
Inaasahang darating ngayon ang mga pambato sa softennis na sina Jhomar Arcilla, Joseph Arcilla at Noelle Conchita Zoleta na nakatakdang sumalang sa Lunes.
Bukas naman inaasahang magpakita ang Philippine Volcanoes na sasabak sa rugby competition sa Miyerkules at Huwebes.
Darating din bukas ang taekwondo team na isa sa mga sport na inaasahang magdeliber ng medalya.
Ang Pinoy jins ay kinabibilangan nina John Paul Lizardo, Francis Aaron Agojo, Christian Al dela Cruz, Kristopher Robert Uy, Samuel Thomas Harper Morrison, Pauline Louise Lopez, Jane Rafaelle Narra, Levita Ronna Ilao, Kirstie Elaine Alora, Nicole Abigail Cham at Mary Anjelay Pelaez.
Ang huling grupo na darating dito sa Korea ay ang karatedo team na binubuo nina Ramon Antonio Franco, Orencio James Virgil delos Santos, Gay Mabel Arevalo, Princess Diane Sicangco, Mae Soriano at Joanna Mae Ylanan.
- Latest