^

PM Sports

Patuloy sa paghahanap ng ginto ang Pinas

Maribeth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Walang naging ingay ang kampanya ng mga Pinoy Athletes sa 17th Asian Games kahapon maliban sa mga panalo ng mga boxers.

Nadagdagan ang pag-asa ng Pinas sa gintong medalya sa boxing matapos ang tagumpay nina  Ian Clark Bautista, Wilfredo Lopez at Mark Anthony Barriga.

Walang epekto ang pagkakabawas ng isang puntos kay Bautista nang angkinin  nito ang tatlong rounds laban kay Abdallah Maher Mohammad Shamon ng Jordan tungo sa 3-0 panalo sa flyweight division.

Sinundan ito ng 2-1 tagumpay ni Wilfredo Lopez kay Aziz Achilov ng Turkmenistan sa middleweight division.

Itinakas naman ni Barriga, veteran SEA Games campaigner ang 2-1 split decision laban kay Hussin Al Masri ng Syria, 30-27, 29-28, 28-29.

Una nang umabante sina Mario Fernandez at Charly Suarez sa pagbubukas ng boxing competition noong Martes.

Pinanghinayangan naman ang pagkatalo sa archery ng isang puntos lamang na sana ay nagbigay ng tsansa sa ginto.

Ang tambalan nina Paul Marlon dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Ian Chipeco ay umusad sa semifinals sa men’s compound team pero lumasap ng masakit na 227-228 pagkatalo sa host Korean sa Gyeyang Archery field.

May tsansa mga archers na bigyan ng bronze medal ang Pinas  sa pagharap sa Iran sa Huwebes.

Umusad din si Dela Cruz sa semis ng  men’s compound individual nang talunin si Sandeen Kumar ng India, 141-135.

Makakalaban ni Dela Cruz sa semis sa Sabado ang sinuman sa mananalo kina  Esmaeil Ebadi ng Iran at  Lihong Min ng host country  sa isa pang quarterfinal match.

Matapos ang ikalimang araw ng aksiyon, may dalawang silver at isang bronze medal pa rin ang Pinas mula sa wushu.

Sina taolo Daniel Parantac at sanda artist Jean Claude Saclag ang naghatid ng pilak habang ang isa pang sanda  na si Francisco Solis, ang naghatid ng bronze medal.

Kinapos rin ang pambato ng bansa sa triathlon na sina Jonard Saim at Nikko Bryan Huelgas na tumapos lang ng 10th at 11th place sa pagsusumite ng mga tiyempong  1:59.00 at 1:59.17, ayon sa pagkakasunod.

Nanalo rin ang mixed doubles partners na sina Ruben Gonzales Jr. at Katharina Melissa Lehnert sa tennis.

Iran 68-- Nik Khahbahrami 21, Hadaddi 20, Kamrani 12, Arghavan 6, Yakhchalidehkordi 3, Jamshidijafarabadi 3, Afagh 2, Mashayekhi 1, Zangeneh 0, Aslami Haji Abadi 0, Sahakian 0.

Gilas Pilipinas 63 – Lee 11, Tenorio 10, Douthit 10, Norwood 9, de Ocampo 6, Pingris 5, David 4, Chan 3, Dillinger 3, Fajardo 2, Alapag 0, Aguilar 0.

Quarterscores: 29-17, 36-34, 50-53, 68-63.

 

ABDALLAH MAHER MOHAMMAD SHAMON

ASIAN GAMES

ASLAMI HAJI ABADI

AZIZ ACHILOV

CHARLY SUAREZ

DANIEL PARANTAC

DELA CRUZ

EARL BENJAMIN YAP

WILFREDO LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with