^

PM Sports

Cat Express nanguna sa 2nd leg ng Philracom Fillies/Colts Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nabawi ng Cat Express ang lakas sa huling 25-metro para manalo laban sa malakas na pagdating ng Leona Lolita at pagharian ang 2014 Philracom 2nd Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Nanguna ang Cat Express mula sa pagbukas ng aparato pero sa rekta ay bumulusok ang Leona Lolita at nakauna pa ng bahagya.

Pero mahusay ang pagkakagamit ni CV Garganta ng kanyang latigo para maipalabas pa ang reserbang lakas ng sakay na kabayo para makuha ang panalo sa pamamagitan ng kalahating katawan agwat sa Leona Lolita na diniskartehan ni Jeff Zarate.

Ang Princess Ella na ginabayan pa rin ni Jan Alvin Guce at siyang nagkampeon sa first leg ay nakontento sa pangatlong puwesto bago tumawid ang Tubbataha Reefs sa paghawak ni JPA Guce.

Naorasan ang Cat Express 1:10 sa 1,200-metro distansya gamit ang kuwartos na  23’ 22 at 24’.

Halagang P600,000.00 ang napanalunan ng Cat Express habang ang coupled entry na Princess Ella ay may P125,000.00 premyo.

Ikalawang sunod na pagkakataon na ang Leona Lolita ay pumangalawa lamang para sa P225,000.00 premyo habang may pa-konsuwelong P50,000.00 ang Tubbataha Reefs.

Samantala, nakitaan ng magandang takbo ang mga premyadong kabayo na Hagdang Bato at Pugad Lawin na naghahanda sa malalaking karerang pag-lalabanan sa mga susunod na buwan.

Sa back stretch kinuha ng two-time Horse of the Year awardee Hagdang Bato sa pagdadala ni Jonathan Hernandez ang lide-rato at hindi na nilingon pa ang mga nakalaban.

Halos apat na dipa ang layo ng Hagdang Bato sa pumangalawang Passive na sakay ni Garganta sa isang milyang karera bago tumawid ang Divine at Bentley. (AT)

ANG PRINCESS ELLA

CAT EXPRESS

COLTS STAKES

GARGANTA

HAGDANG BATO

HORSE OF THE YEAR

JAN ALVIN GUCE

JEFF ZARATE

LEONA LOLITA

TUBBATAHA REEFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with