Twice-to-beat tangka ng SBC
MANILA, Philippines – Angkinin ang unang twice-to-beat advantage ang nakaumang sa San Beda Red Lions sa pagharap sa Perpetual Help Altas sa pagbabalik ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na ika-2 ng hapon magsisimula ang nasabing tagisan at asahan na preparado ang Altas na biguin ang ha-ngarin ng four-time defending champion Lions para pagtibayin ang kanilang kampanya sa Final Four.
May 8-6 karta ang Altas at kailangang manalo para dumikit ng kalahating laro sa mga nasa ikatlo at apat na puwesto na Jose Rizal University Heavy Bombers at St. Benilde Blazers sa magkatulad na 9-5 baraha.
Napahinga ang Altas sa loob ng 12 araw dahil ang kanilang laro kontra sa San Sebastian Stags noong Setyembre 15 ay kinansela dahil sa bagyong Luis.
Dahil dito, tiyak na pinagplanuhang mabuti ni coach Aric Del Rosario ang gagawing diskarte para mabawian ang Lions na unang humirit ng 57-55 panalo sa first round.
Sina Ola Adeogun, Arthur dela Cruz, Baser Amer at Anthony Seme-rad ang mga babalikat sa tropa ni coach Boyet Fernandez na papasok sa laro mula sa anim na diretsong panalo.
“Matapos makapasok sa Final Four, ang next goal ay makuha ang twice-to-beat incentive kaya talagang gagawin namin ang lahat para manalo rito,” wika ni Fernandez.
Sina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda ang mga dapat magtrabaho para sa Altas para makabawi matapos ang di inaasa-hang 81-91 pagkatalo sa Mapua Cardinals noong Setyembre 10 dahilan para bumaba sila sa ikalimang puwesto.
Ikaapat na sunod na panalo ang nakataya sa Cardinals sa pagbangga sa Emilio Aguinaldo College Generals sa no-bearing second game na magsisimula dakong alas-4 ng hapon. (AT)
- Latest