8 gold sa boxing? Bakit hindi-- Velasco
INCHEON, South Korea – Handang kumuha ang mga National boxers ng walong gintong medalya sa kompetisyon na magbubukas sa Miyerkules sa Seonhak gymnasium.
“Kung kaya ang walo, kukunin namin lahat,” wika ni coach Roel Velasco.
May 13 ginto ang nakataya sa men’s at women’s competition na magsisimula sa Miyerkules at matatapos sa Oktubre 3 at mataas ang kumpiyansa ni Velasco dahil hindi pa nabibigo ang boxing team sa paghatid ng medalya sa Asian Games.
Noong 2010 sa Guangzhou, China ay nag-uwi ang koponan ng tig-isang ginto, pilak at bronze medals na naipagkaloob nina flyweight Rey Saludar, woman flyweight Annie Albania at lightweight Victor Saludar.
Ang mga ito ay wala sa delegasyon pero hindi paaawat ang mga napili para balikatin ang laban ng 150-national athletes.
Ang mga ninombrahan ng ABAP para lumaban ay sina Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez, Charly Sua-rez, Galvan, Ian Clark Bautista at Wilfredo Lopez sa kalalakihan at sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio sa kababaihan.
Ang nakatatandang kapatid ni Roel na si Nolito bukod pa kay Romeo Brin ang iba pang coaches sa koponan ay patuloy ang pag-ensayo para hindi mawala ang magandang kondisyon ng mga panlaban para sa medalya. Bago tumulak pa-Incheon, nagsanay ng 2-weeks ang mga boxers sa Australia. (BRM)
- Latest