^

PM Sports

Walang lumusot Pinoy bets inalat

Beth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea – Inalat ang mga Pinoy sa ikalawang araw ng Asian Games nang mabigo ang mga ipinanlabang atleta kahapon.

Nabigo sina judokas Gilbert Ramirez at Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na bigyan ang Pilipinas nang kauna-unahang medalya habang ang mga men’s at women’s tennis teams at ang trap shooters ay luhaan sa kanilang mga laban.

Sa Dowon Gymnasium ginagawa ang judo competition at si Ramirez na nag-bye sa first round, ay nasibak agad  kay Dastan Ykybayev ng Kazakhstan sa men’s -63kg.

Sa kabilang banda, si Watanabe na lumalaban sa women’s -73kg., ay nanalo kay Gulnar Hayytbayeva ng Turkmenistan sa round-of-16 pero tinalo ng Haponesang si Kana Abe ng Japan, 2-0 sa quarterfinals.

Nagbalik si Watanabe sa repecharge ngunit naitapon sa labas ng mat ni Marian Urdabayeva ng Kazakhstan  para tuluyan ng matapos ang kampan-ya ng mga judokas ng bansa.

Hindi rin kinaya ng mga Pinoy netters na sina Treat Huey at Patrick John sina Wang Yeu Tzuoo (6-4, 3-6, 0-6) at Lu Yen Hsun (0-6, 0-6) sa singles matches tungo sa 1-2 pagkatalo sa Chinese Taipei sa men’s category habang sina Denise Dy at Katharina Lehnert ay lalong hindi nakaporma sa mga Korean netters sa 0-3 pagkatalo sa women’s division.

Hindi rin maganda ang balita mula sa mga trap shooters.

Gumanda ang putok ni Hagen Topacio sa hu-ling dalawang rounds sa 23 at 24 pero ang kanyang kabuuang iskor matapos ang 5-rounds na 112 ay sapat lamang sa 28th puwesto.

Si Eric Ang ay nalagay sa mas mababang 37th spot sa 108 puntos matapos ang 24 at 21 performance sa huling dalawang rounds.

Ang London Olympics veteran naman na si Jessie Khing Lacuna ay nagtala ng 1:53.20 tiyempo sa men’s 200m freestyle sa swimming para tumapos sa 15th place sa 25 na nag-laban.

Sa rowing, ang mga panlaban sa double sculls na sina Roque Abala  Jr. at Alvin Amposta ay nalagay lamang sa ikaapat na puwesto sa 6:53.66 at may tsansa pa sa repechage.

May tsansa ang Pilipinas na makatikim na ng medalya sa pangatlong araw ng aksyon sa katauhan ng mga sanda artists na sina Jean Claude Saclag, Francisco Solis at Divine Wally sa pagharap sa quarterfinals ng kani-lang weight divisions.

Isa pang panalo ang kailangan ng mga wushu artists para makatiyak ng tansong medalya.

ALVIN AMPOSTA

ANG LONDON OLYMPICS

ASIAN GAMES

CHINESE TAIPEI

DASTAN YKYBAYEV

DENISE DY

DIVINE WALLY

FIL-JAPANESE KIYOMI WATANABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with